Last week, a UP student whose organization plans to visit Poctoy Beach Resort in Torrijos, Marinduque this May e-mailed me to ask for information on how to get to Marinduque. For those planning the same, here are parts of my reply to the e-mail:

Sa Kamias [Quezon City] ay may Tritran at Jac bus stations. Maaari kayong sumakay roon ng bus na biyaheng Dalahican pier sa Lucena. P200+ ang pamasahe sa aircon bus. Pagdating sa pier ay sasakay naman kayo ng barko papuntang Marinduque. More than 200 din ang pamasahe sa barko. May dalawang option kayo sa destinasyon ng barkong sasakyan:

a.  Biyaheng Balanacan pier sa bayan ng Mogpog. Mas popular na port; mas maraming biyahe papunta rito. (Right now, wala pa akong list ng exact na oras ng mga byahe ng barko — will post sa Marinduqueno.com kapag nakakuha ako.) Mas maiksi ang oras na gugugulin ninyo sa dagat, pero mas malayo ang port na ito sa Torrijos. Kakailanganin ninyong sumakay ng pampasaherong van papunta sa bayan ng Torrijos. Around 100 siguro ang pamasahe.

b. Biyaheng Buyabod pier sa bayan ng Santa Cruz. Dadalawa na lang yata ang biyahe papuntang Buyabod araw-araw. Pero mas mas malapit ito sa Torrijos. May mga dyip kayong masasakyan papuntang Torrijos mula sa pier na ito. Below 100 naman ang pamasahe.

Kung trip naman ninyo ay dire-diretsong biyahe, puwede kayong sumakay sa Jac Liner buses mula rito sa Kamias, Quezon City. May biyahe ng bus na diretso sa Santa Cruz, ang bayan namin, na katabi lamang ng Torrijos na kinaroroonan ng Poctoy beach. Pagdating sa Lucena,
isinasakay ang bus sa roro, kaya’t di na ninyo kakailanganing lumipat. Mas mahal yata ang pamasahe rito, di ako sure kung P500 nga, at medyo mas matagal ang biyahe.

The official website of the province has a page that details how to go to Marinduque.