Yano ka talaga! Nagahanap ka ng Marinduque scandal, ano?

Biro laang. Maligayang pagdating sa Marinduqueno.com. Ako si Ederic Eder, Santakrusin na nagatrabaho sa Maynila ngayon. Plano ko na dati pa na gumawa ng online tambayan para sa mga gaya nating Marinduqueno, pero mas lalo akong nasipag nang napansin kong maraming Marinduqueno ang nag-comment sa Marinduque scandal post ko sa aking blog. At hindi laang tungkol sa mga eskandalo ang inapag-usapan ng mga napar-on. Pati mga isyu sa atin, gaya ng terminal fee sa Balanacan at Dalahican (o mas tamang sabihing sa Talao-talao, Lucena) inaga-usapan na rin.

Nitong umuwi ako sa atin noong Mahal na Araw, sumali ako sa prusisyon, naglitrato at nanghabol ng mga morion. Kailangan siyempre ang larawan ng mga morion, dahil hindi yata makukumpleto ang isang Marinduquenong website na walang anumang banggit sa Moriones Festival.

Pero maliban sa mga isyung at ergong Marinduqueno, Moriones Festival at mga morion, siyempre’y agausapan din natin dito ang iba’t ibang tanawin at kuwento sa anim na bayan ng Marinduque — Santa Cruz, Boac, Mogpog, Torrijos, Gasan at Buenavista — pati na rin ang karanasan ng mga kababayan natin sa Maynila at iba pang lugar sa Pilipinas. Yayain din natin dito ang mga Morion Abroad, o mga Marinduquenong nasa ibayong dagat.

At least once a week ay maga-post ako rito sa Marinduqueno.com ng kung samu’t saring bagay na may kaugnayan sa Marinduque at sa mga Marinduqueno. Puwede rin kayong mag-post ng komentaryo at iba pa. May diskusyon din sa Marinduqueno.com Forums.

Yun laang muna. At oo, walang Marinduque scandal dito. Bawal din ang umihi rito. Hala, atabakin kayo ng mga morion!

:D